NEGROS OCCIDENTAL – Iminumungkahi ng Negros Provincial Development and Planning Office sa pamahalaan na pagsamahin na ang Negros Occidental at Oriental bilang iisang rehiyon kapag naipatupad ang federalism sa bansa.Sa interview ng RMN sa kanilang officer na si Marlene Sanogal, hindi dapat nakahati sa dalawang rehiyon ang Negros Island.Layon aniya ng pag-iisa ng dalawang Negros Region na magkaaroon ng iisang koordinasyon pagdating sa kalamidad at sakuna maging ang pantay-pantay na pagpa-unlad at papagsigla ng buong lalawigan.Sa ngayon, ipinaabot na sa tanggapan ng DILG at kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang hiling.
Facebook Comments