Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Negros Occidental Representative Jose Francisco “Kiko” Bantug Benitez bilang bagong Director General of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Si Benitez ang kapalit ni outgoing TESDA Chief Suharto Mangudadatu na nagbitiw sa pwesto para paghandaan ang BARMM parliamentary elections.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), si Cong. Benitez ang Chairperson of the Committee on Housing and Urban Development sa Kamara kung kaya’t may sapat itong karanasan sa aspeto ng edukasyon, development, at public service.
Dahil sa kaniyang malawak na academic background at commitment sa sustainable development ay isa siyang well suited head ng TESDA.
Tiwala si Pangulong Marcos Jr. sa kakayahan ni Benitez na pangunahan ang TESDA para maabot ang layuning mapahusay pa ang teknikal na kasanayan ng mga manggagawang Pilipino, itaguyod ang mga oportunidad sa pag-aaral, at palaguin ang ekonomiya sa pamamagitan ng edukasyon at pag unlad ng kasanayan.
Inaasahang agad na gagampanan ni Benitez ang kanyang bagong papel at babalangkas ng strategic priorities para sa TESDA sa mga susunod na linggo.
Kinilala naman ng Malacañang ang naging kontribusyon ni Mangudadatu sa TESDA sa kanyang panunungkulan.