Negros Oriental, Philippines – Malabong maipatupad ng Pangulong Duterte ang martial law sa buong Central Visayas, ito ang sinabi ni Negros Oriental CHR Director Dr. Jesus Cañete matapos makapanayam ng DYWC RMN.
Aniya ay wala namang mabigat na dahilan upang ipatupad ito kung sakaling sa buong Central Visayas at maging sa buong bansa.
Samantalang patuloy ang obserbasyon ng CHR sa batas militar sa Mindanao.
DZXL558
Wala namang nakitang pang-aabuso ang CHR sa mga militar simula nang ito ay maideklara ng Pangulo.
Ayon kay Cañete, kung matapos ang 60 days at hindi pa rin matapos ang gulo doon, mas mainam sigurong hahanap ng ibang paraan ang pamahalaan upang lutasin ang gulo sa Mindanao.
DZXL558,Anthony Maguinsay
Facebook Comments