Naupo na si Negros Oriental Vice Governor Carlo Jorge Joan Reyes bilang bagong gobernador ng probinsya.
Ito ay matapos na masawi sa pamamaril si Governor Roel Degamo kahapon.
Sa kanyang Facebook post, kinumpirma ni Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang panunumpa ni Reyes sa kanyang bagong posisyon kagabi.
Inihayag din ng kalihim ang mariing pagkondena ng administrasyon sa karumal-dumal na pagpaslang kay Degamo at sa iba pang biktima ng nangyaring pamamaril sa mismong tahanan ng gobernador.
“Sa pinagsanib na pwersa ng kapulisyahan at militar, asahan niyong hindi tayo titigil hanggang sa makamit ang hustisya sa mga biktima ng karahasang ito,” saad ni Abalos.
Facebook Comments