
Nagpapatuloy ang monitoring ng mga opisyal ng Philippine National Police sa pangunguna ni PNP Chief Oscar Abayalde sa mga polling centers sa buong bansa sa pamamagitan ng National Election monitoring and Action Center o NEMAC dito sa Camp Crame.
Sa kanilang huling monitoring, nakapagtala ang PNP ng 79 na insidente ng vote buying.
240 na indibdiwal ay naaaresto habang sampu ay at large.
Pinakamalaking na-monitor ay sa Brgy. Dapiwak, Dumingag, Zamboanga del Sur kung saan mahigit P1-M cash ang narekober ng mga sundalo partikular ang 97th Infantry Batallion ng Philippine Army mula sa mga goons na nagha-harass sa mga residente sa lugar.
Narekober ito matapos ang ibinigay na impormasyon sa militar mula sa isang concerned citizen.
Samantala 43 election related incident na rin ang na-monitor ng PNP mula nang magsimula ang eleciton period hanggang araw ng eleksyon
Sa mga insidenteng ito, 20 na ang namatay, 24 sugatan at 29 ay hindi nasaktan.









