NEP | Pagaayos sa National Expenditure Program, nasa poder na ng Kamara – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Pinanindigan ng Palasyo ng Malacañang ang National Expenditure Program o NEP na ugat ngayon ng issue ngayon sa Kamara.

Usap-usapan kasi sa Kamara ngayon na mayroong 50 billion pesos budget insertion sa gustong busisiin ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kung mayroon mang nangyaring budget insertion ay wala nang kinalaman dito ang Malacañang.


Bahala na aniya ang Kongreso sa issue dahil nasa kamay na nito kung anong hakbang ang dapat gawin para sa usapin.

Paliwanag ni Roque, kailangang igalang ang constitutional manadate ng Kamara na siyang mayroong power of the purse kaya bahala na ito na amiyendahan o baguhin ang NEP.
Matatandaan na aabot sa 3.757 trillion pesos ang budget ng Pamahalaan para sa susunod na taon na binubusisi ngayon ng Kamara bago ito ipasa sa Senado.

Facebook Comments