Nanindigan si senatorial candidate Neri Colmenares na hindi siya magko-concede sa eleksyon.
Base sa partial and unofficial results, si Colmenares ay nasa ika-24 na pwesto na may 4,581,688 votes.
Ayon kay Colmenares – minamanipula ang mga Pilipinong botante para iboto ang mga hindi kaaya-ayang mga lider.
Iginiit ni Colmenares – na patuloy ang kanyang laban.
Si Colmenares ay dating three-term representative ng Bayan Muna party-list at kritiko ng Duterte administration.
Unang beses siyang tumakbo sa pagkasenador noong 2016.
Facebook Comments