Neri Naig, nanganak na sa baby number 2 nila ni Chito Miranda

“Proud dad” ang peg ngayon ni Chito Miranda matapos na manganak na ang kaniyang asawa na si Neri Naig sa kanilang pangalawang baby.

Sa pamamagitan ng Instagram ay ipinost ng vocalist ng bandang Parokya ni Edgar ang picture ng kanilang new born baby na si Manuel Alfonso Miranda A.K.A. “Cash”.

Agad naman bumuhos ang pagbati sa mag-asawa kabilang na ang mga kaibigan nila sa showbiz industry tulad nina Kaye Abad, Iya Villania, Sitti, Paolo Paraiso, at Nikka Garcia.


Taong 2014 ng magpakasal sina Neri at Vhito kung saan 2016 nang i-welcome nila ang kanilang panganay na si Miggy.

Facebook Comments