NERVE GAS | Estados Unidos, papatawan ng sanctions ang Russia

38

Papatawan ng Estados Unidos ng sanctions ang Russia sa katapusan ng Agosto.

Ito ay matapos matukoy na gumamit ang Russia ng nerve gas laban sa isang dating Russian agent at anak nito sa Britanya.

Ayon kay State Department Spokeswoman Heather Nauert, napatunayan na ang Moscow ay gumamit ng chemical o biological weapons.

Malinaw pa aniya na ginamit ito ng Russia sa sarili nilang mamamayan.

Paglabag ito sa International Law o 1991 Chemical and Biological Weapons and Warfare Elimination Act.

Facebook Comments