Magsisilbing flag-bearer ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics sina boxing Olympic medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam.
Ayon kay Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino, plano sana nila na gawing flag-bearer ang kauna-unahang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.
Gayunpaman, hindi ito pinayagan ng Paris dahil hindi competitor ang weightlifter sa Olympics ngayong taon.
Si Petecio ang naging unang boxing Olympic medalist ng Pilipinas sa nakalipas na 25 taon o mula sa pagkapanalo ni Onyok Velasco noong 1996.
Sinundan ito ni Paalam na nanalo rin ng silver medal sa Men’s Flyweight event sa Tokyo Olympics.
Facebook Comments