Nesthy Petecio, pinasalamatan ni PBBM sa pagsungkit ng bronze medal sa Paris Olympics

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Nesthy Petecio sa pagsungkit nito sa Olympic bronze medal para sa Pilipinas.

Ayon sa pangulo, ang pagkapanalo ni Petecio ay ipinagmamalaki ng buong bansa dahil ipinakita nito na walang inaatrasang hamon ang mga Pilipino.

Pinasalamatan din ni First Lady Liza Araneta Marcos si Petecio sa magandang laban at sinabing isang tunay na boxing champ si Petecio sa puso ng mga Pilipino.


Tinalo si Petecio ng Polish boxer na si Julia Szeremeta sa semifinals ng women’s 57kg division.

Ito na ang pang-apat na medalya ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics sunod sa dalawang gintong medalya na nasungkit ni Carlos Yulo at bronze medal ng isa pang Pinay boxer na si Aira Villegas.

Itinatakda sa batas na ang bronze medal sa Olympics ay may katumbas na 2 milyong pisong cash incentives.

Facebook Comments