Nesthy Petecio, sigurado na ang medalya sa Tokyo Olympics

92

Sigurado nang makakakuha ang Filipina boxer na si Nesthy Petecio ng kahit bronze medal sa Tokyo Olympics matapos talunin si Yeni Arias Castaneda ng Colombia.

Ibig sabihin nito, dalawang pambato natin sa Olympics ang mayroon nang medalya kasunod ng pagkapanalo ni Hidilyn Diaz noong Lunes ng gold medal.


Samantala, sa Sabado ay muling lalaban si Petecio at makakaharap naman nito si Irma Testa ng Italy.

Ito na ang unang pagkakataon mula noong 1932 na hindi lamang isang medalya ang nasungkit ng Pilipinas sa Olympics.

Facebook Comments