Net income ng SSS noong 2023, umakyat sa ₱83-B

Sumipa sa 62.8% o nasa ₱83.13 bilyon ang net income ng Social Security System (SSS) noong 2023.

Ito ay mas mataas sa target collection ng SSS na ₱51.06 bilyon noong nagdaang taon.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, malaking kita ay mula sa contribution collection na nasa ₱309.12 bilyon mula sa ₱261.44 bilyong nakolekta noong 2022.


Nakapagtala rin ang SSS ng mababang revenue expenses na ₱270.69 bilyon na ang malaking bahagi nito ay napunta sa pagbabayad ng benepisyo sa mga miyembro at pensioners.

Facebook Comments