Net satisfaction rating ng Pangulo, inaasahang tataas pa sa mga susunod na taon

Manila, Philippines – Kumpyansa ang mga kaalyado ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara na lalo pang tataas ang net satisfaction rating ng punong ehekutibo sa mga susunod na taon.

Ito ay matapos na makapagtala ng record-high 78 percent net satisfaction rating si Pangulong Duterte matapos ang unang taon nito sa puwesto, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon kay PBA Partylist Rep. Jericho Nograles, nagpapakita lamang ito ng suporta ng publiko sa mga polisiya ng Punong Ehekutibo.


Bagamat hindi pa nga “full steam” ang mga programa ng pamahalaan, malaking suporta na ang nahahatak nito mula sa taumbayan.

Inaasahan niya na tataas pa ito sa oras na “full force” na ang programang Build, Build, Build program.

Iginiit naman ni partylist coalition president at AKO Bicol Rep. Rodel Batocabe na pumalo sa record-high ang net satisfaction rating ng Pangulo dahil sa pagiging “unique at “one of a kind” nito.

Bunga din aniya ito ng magandang takbo ng ekonomiya ng bansa, at dahil na rin sa pagbaba ng inflation at unemployment.

Facebook Comments