Net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte – nananatiling very good sa kabila ng pagbaba ng ilang puntos, batay sa latest survey ng SWS ng unang kwarter ng taon

Manila, Philippines – Nananatili ang “very good”satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Survey ng Social WeatherStations (SWS).
  Ito ay kahit pa patuloy na tumatanggap ng kritisismo angwar on drugs ni Duterte, na nagresulta sa pagkakapatay sa daan-daang drugsuspek sa nakaraang siyam na buwan.
  Batay sa SWS survey nitong unang kwarter ng taon -lumabas na 75 percent ang kuntento sa performance ng Pangulong Duterte, habangparehong 12 percent ang undecided at hindi satisfied.
  Bagamat bumaba ng tatlong puntos ang +63 net publicsatisfaction rating ng pangulo kumpara sa nakuha nito noong Disyembre,nananatili pa rin itong  “very good”.
  Sa Mindanao naman, nakapagtala ng “excellent”satisfaction rating si Duterte habang tumaas naman sa +62 sa Visayas.
  Isinagawa ng survey noong March 25-28 sa pamamagitan ngface-to-face interview sa 1,200 na tao sa buong bansa.
   

Facebook Comments