Net satisfaction rating ni PRRD, nananatiling very good – SWS

Manila, Philippines – Ikinalugod ng Malacañang ang resulta ng bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan pito sa 10 Pilipino ay ‘satisfied’ pa rin sa pamamalakad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – malaking sampal ito sa mga bumabatikos at kritiko ng estilo ng pamamahala ni Pangulong Duterte.

Ang buong suporta ng mga Pilipino kay Duterte ay nagpapahiwatig din ng matibay na mensahe sa ibang bansa at foreign human rights groups na itigil na ang mga walang basehang akusasyon sa kampanya kontra ilegal na droga.


Dahil dito, tiniyak ng Palasyo na ipagpapatuloy ang gobyerno lalo na ng Pangulo ang laban nito kontra kriminalidad at korapsyon.

Facebook Comments