Net satisfaction rating ni VP Robredo, tumaas – SWS

Tumaas ang satisfactory rating ni Vice President Leni Robredo.

Base sa first quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), si Robredo ay nakakuha ng “good” net satisfaction rating na +42 mula sa “moderate” o +27 noong December 2018.

Hindi naman nagbago ang satisfactory ratings nina Senate President Tito Sotto III, House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.


Si Sotto ay nakuha ang +61 o “very good”.

Si Arroyo naman kahit tumaas ng apat na puntos mula sa -21 noong December 2018 ay “poor” pa rin ang rating nito na nasa -17 nitong March 2019.

Si Bersamin ay nananatili naman ng “moderate” rating mula sa +11 noong December 2018 ay +14 na nitong March 2019.

Ang survey ay isinagawa nitong March 28 hanggang 31, 2019 sa 1,440 respondents.

Nilinaw din ng SWS na walang grupo o indibidwal ang nag-komisyon sa survey na ito at inisyatibo nila ito bilang paghahatid ng serbisyo publiko.

Facebook Comments