Net satisfaction ratings sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, nananatiling "good"

Manila, Philippines – Nanatiling good o maganda ang kabuung satisfaction rating ng publiko sa mga institusyon ng gobyerno.

Ito ay base sa huling survey ng Social Weather Station mula March 25 hanggang 28.

Nakakuha ng positive 32 o good ang net satisfaction rating ng gabinte habang positive 52 o very good ang naitala ng senado.


Nagtala naman ng positve 39 o good net satisfaction rating ang kamara.

Good din ang nakuhang net satisfaction rating ng supreme court na nasa positive 40.

Ang nasabing survey ay may respondent na 1200 na may margin of error na plus minus three percent.

Samantala, nagpasalamat naman ang Malakanyang sa pagkilala ng publiko sa kanilang pagsisikap at tiniyak na ipagpapatuloy nila ang pagtulong sa mga mamamayan.

Facebook Comments