Net worth ni Vice President Leni Robredo, bumaba ng dalawang milyong piso

Manila, Philippines – Nabawasan ng 2.1 million pesos ang net worth ni Vice President Leni Robredo sa loob ng anim na buwan.

Batay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN, bumaba sa 8,878,111 pesos and 43 centavos ang net worth ni Robredo noong December 2016 kumpara sa 110,53,138 pesos noong June 2016.

Makikita rin sa saln ng pangalawang pangulo na bumaba ang total assets nito sa 15,778,111 pesos and 43 centavos mula sa 17,953,138 pesos sa parehong period.


Habang ang liabilities ni Robredo ay nanatili sa 6.9 million pesos.

Una nang naiulat ang SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tumaas ng mahigit 3.3 million pesos ang net worth nito.

Mula sa mahigit 24 million pesos na idineklara nito noong June 2016 ay umabot sa mahigit 27 million pesos ang net worth ng pangulo noong December 2016.

* DZXL558*

Facebook Comments