Netherlands Prime Minister Mark Rutte, inimbitahan si PBBM na makiisa sa dalawang conference sa Netherlands na may kinalaman sa AI at water management

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at The Netherlands Prime Minister Mark Rutte na magtutulungan para mas maging maganda ang kapabilidad ng Pilipinas pagdating sa depensa at water management.

Ang kasunduan ay nangyarin matapos ang bilateral meeting nang dalawang lider na sidelines ng ASEAN-EU Commemorative Summit sa Brussels, Belgium.

Sa pagpupuplong ng dalawang lider, sinabi ni Prime Minister Rutte na iniimbitahan niya si Pangulong Marcos Jr., na makiisa sa dalawang conferences patungkol sa artificial intelligence (AI) at water management na gagawin sa susunod na taon sa The Netherlands.


Sinabi ng Dutch prime minister na layunin ng dalawang conferences na magsama-sama ang mga foreign ministers, defense ministers at heads of states para sabay-sabay na matuto sa larangan ng artificial intelligence in the military domain, cybersecurity at climate change adaptation.

Naging positibo naman ang tugon dito ni Pangulong Marcos Jr., at sinabing magiging useful ang conferences na ito para sa gobyerno ng Pilipinas.

Sinabi pa ng pangulo, na sa katunayan ay una na siyang nagplanong bumuo ng government body na mamamahala sa water resources ng Pilipinas lalo’t isa sa problema ng Pilipinas ay ang supply ng tubig na dapat matutukan.

Facebook Comments