Netizen na inirereklamo ni Sharon Cuneta, maaaring ma-extradite

Nakumpirma na ng Department of Justice – Office of Cybercrime (DOJ-OOC) ang tunay na pagkakakilanlan at lokasyon ng isang netizen na may “rape threat” o bantang hahalayin ang anak ni singer-actress Sharon Cuneta at Senator Francis Pangilinan na si Frankie.

Ayon kay Justice Undersecretary Mark Perete, bineberipika na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nakuhang impormasyon sa social media tungkol sa netizen.

Ang mga impormasyon ay maaari ring magamit ng investigating prosecutor o piskalya para sa pag-iisyu ng subpoena.


Kinumpirma rin ni Perete na hiniling na ng DOJ sa Facebook na i-preserve ang “content” o laman ng account ng naturang netizen.

Ayon pa sa DOJ, maaaring mag-apply ang mga otoridad para sa warrant upang mabusisi ang computer data at magkaroon ng request for extradition kung kinakailangan.

Nauna nang inihayag ng aktres na tukoy na ng kanilang pamilya ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ni “Sonny Alcos” o “Sonny Co”, ang lalaking nagbanta kay Frankie sa social media.

Facebook Comments