Netizen na nagbanta ng rape sa anak ni Mega Star Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan, tukoy na ng DOJ

Tukoy na ng Cybercrime Office ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakakilanlan at lokasyon ng netizen na nagbanta online na gagahasain si Frankie Pangilinan, ang anak nina Senator Francis Pangilinan at Mega Star Sharon Cuneta

Matatandaan na galit na ipinost ni Sharon sa social media ang screenshots ng isang Sonny Alcos kung saan sinabi nitong kung bata siya ay gagahasain niya si Frankie at hindi siya makukulong dahil sa batas na inakda ng ama niyang senador.

Ayon sa DOJ, “open-source intelligence” ang ginamit nila para matukoy ang pagkakakilanlan, tirahan at hanapbuhay ng nasabing netizen.


Kinausap na rin nila ang Facebook para ipreserba ang mga impormasyon sa profile ng netizen, para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban dito.

Facebook Comments