Netizen na nanira sa alkalde ng Pateros, pinatawad na matapos makulong ng ilang oras

Pinatawad na ni Pateros Mayor Miguel Ponce ang isang netizen na nagkomento sa social media ng mga mapanirang salita laban sa alkalde.

Kinilala ang netizen na si Mark Panlilio na nakulong kahapon ng ilang oras sa Philippine National Police (PNP) Headquarters sa kasong cyber libel.

Humingi ng tawad si Panlilio sa alkalde at nangakong hindi na uulitin ang paninira at pagmumura laban sa mayor.


Paliwanag ni Panlilio, nagawa lamang niya ang mga komento sa social media dahil na rin sa hirap ng buhay ngayong may pandemic.

Binawi na rin ng lokal na pamahalaan ang kaso laban kay Panlilio.

Facebook Comments