Bumilib ang mga netizen kay Vice President Leni Robredo sa paglalatag nito ng malinaw at komprehensibo na mga plano para sa bansa sa unang presidential debate na ikinasa ng Commission on Elections (COMELEC).
Pinuri ng mga netizen, artista at maging mga kaalyado nito ang posisyon ni Robredo ukol sa pagbangon ng ekonomiya kung saan nais niyang magbigay ng ₱100 bilyong stimulus package para sa micro, small at medium enterprises (MSMEs).
Umani rin ng papuri ang closing statement ni Robredo kung saan binigyang diin niya na ang totoong lider ay nagpapakita na parinig sa hindi pagsipot sa debate ng kanyang isang katunggali na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Dinomina kamakailan ni Robredo ang Google Trends mula Pebrero 5 hanggang Marso 2, 2022 na may kabuuang score na 107 mula sa mga search na gamit ang keywords na “Leni” at Robredo” at mula sa positive engagements na malayo sa score ni Marcos na 79.