You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Netizens, kinilig sa palitan ng sweet messages ng KathNiel

Napapansin na ng mga netizen na nagiging aktibo sa social media ang actor-model na si Daniel Padilla.

Sa isang comment ni DJ, tinawag niyang “my woman” ang kanyang girlfriend na actress-model na si Kathryn Bernando.

Reply naman ng actress na “yours” at humirit naman ang mommy ni Kathryn na si Min Bernando na “my daughter”.

Sagot ng aktor – na “my biyenan”.

Dahil sa mga palitan ng mga sweet message nila, maraming netizen na ang kinilig at hindi bababa sa limang libong “likes” ang nakuha ng bawat comment.

Facebook Comments