Sinang-ayunan ng mga netizen ang gabay na sinusunod ni Senador Panfilo “Ping” Lacson hinggil sa hindi niya paglalagay ng deadline at sa halip ay isagawa na lamang ang matalinong pag-aksyon sa mga pangako para sa bayan.
Tinanong kay Lacson sa pinakahuling presidential debate na inorganisa ng CNN Philippines nitong Linggo, kung gaano kabilis na mararamdaman ng taumbayan ang epekto ng kanyang pamumuno kung siya ang magiging ika-17 pangulo ng Pilipinas.
Humanga ang mga netizen sa sagot ni Lacson na hindi siya naniniwala sa deadline pero sa unang araw ng kanyang panunungkulan sa opisina ay lalagda siya ng waiver sa kanyang karapatan sa ilalim ng Bank Secrecy Act na magsi-set ng kanyang tone sa kanyang pagkapangulo.
Inihayag ni Lacson sa mga nakalipas na presidential interview na hindi niya kailangang pilitin na magtakda ng deadline para sa sarili dahil mas nais niyang pagplanuhan at isagawa nang maayos ang kanyang mga gagawing hakbang para itaguyod ang isang mabuting pamahalaan.
Umani ng mga papuri sa mga netizen ang mithiing ito ni Lacson kung saan marami ang napa-tweet na aprub na aprub sa kanila ang naging pahayag nito.