Netizens ‘triggered’ sa late announcement ng #WalangPasok

File photo

Madalas dinadaing ng publiko partikular ng mga magulang ang huling pag-anunsyo ng mga local government unit (LGU) ukol sa suspensyon ng pasok.

Nitong Lunes, ibinulaslas ng netizens ang pagkadismaya sa ilang mayor dahil muling naulit ang nasabing problema.

Ayon kay Louzel, isaalang-alang ng mga LGU ang buhay ng kanilang mga anak.


Sabi ni Edz, nalaman niyang suspendido ang klase pagtuntong ng unibersidad.

Mungkahi ni Moises Perez, dapat maagang ideklara ang kanselasyon ng pasok.

Para kay MisterBokx, hindi kailangan hintayin ang alas-dose bago ianunsyong wala palang pasok.

#WalangPasok: Wow,mga Mayor kailangan tlga magintay ng 12 bgo announce na walang pasok nakapasok na un mga bata. Damn SMART!!! 🙄🙄🙄

— MisterBokx (@BokxMister) July 1, 2019

Pakiusap ni Virginia B, huwag hayaan mastranded sa paaralan ang mga estudyante.

Samantala, narito ang listahan ng mga #WalangPasok as of 3:00 P.M. dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Egay:

  • Manila
  • Quezon City
  • Caloocan City
  • Malabon City
  • Navotas City
  • Valenzuela City
  • Mandaluyong City
  • San Juan City
  • Muntinlupa City
  • Pateros
  • Taguig City
  • Las Piñas City
  • Parañaque City
  • Lian, Batangas
  • Balagtas, Bulacan
  • Baliwag, Bulacan
  • Bocaue, Bulacan
  • Bustos, Bulacan
  • Hagonoy, Bulacan
  • Marilao, Bulacan
  • Meycauayan, Bulacan
  • Paombong, Bulacan
  • Sta. Maria, Bulacan
  • Subic, Zambales
Facebook Comments