Netizens, tumutulong na rin sa OFW sa Hong Kong na pinagmumulta dahil sa paglabag sa social distancing protocol

Bumubuhos ang pinansyal na tulong sa Filipino domestic workers at iba pang nationalities doon na pinagmumulta ngayon sa Hong Kong dahil sa paglabag sa social distancing policy.

Ito ay sa pamamagitan ng online fund raising na inilunsad ng netizens.

5,000 Hong Kong dollars kasi ang multang ipinapataw sa mga nahuhuli sa Hong Kong na hindi sumusunod sa social distancing.


Ang naturang halaga ay mas mataas sa isang buwang sweldo ng isang domestic worker doon.

Ang paghihigpit ng Hong Kong government ay sa harap ng nararanasan doon ng ika-5 wave ng COVID-19.

Umapela na rin ang pamahalaan ng Hong Kong sa employers na kausapin ang kanilang domestic workers na iwasan munang lumabas at dumalo sa mga pagtitipon.

Nanindigan ang Hong Kong government na hindi nila patatawarin ang sino mang mahuhuling nagtitipon-tipon ng mahigit sa dalawa katao.

Facebook Comments