Networth ni Pangulong Rodrigo Duterte, tumaas!…Filipino community sa Hong Kong, kakamustahin ng pangulo mamayang hapon

Manila, Philippines – Lumaki ng mahigit tatlong milyongpiso ang net worth ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakalipas na anim na buwan mulanang maupo siya bilang presidente.
 
Batay ito sa isinumite niyang Statement of Assets,Liabilities and Net worth o SALN.
 
Nabatid na umaabot na sa mahigit 27 milyong piso ang kabuuangyaman ni Pangulong Duterte mula sa dating mahigit 24 milyong piso.
 
Idineklara rin ni P-Duterte sa kanyang SALN na mayroonsiyang liabilities na isang milyong piso sa isang Samuel Uy na siyang nagbigayng campaign contribution noong halalan na aabot sa 30 milyong piso.
 
Pito rin sa kanyang mga kaanak ang inilista ni PangulongDuterte sa kanyang SALN.
 
Kabilang na rito sina Davao City Mayor Inday SarahDuterte-Cario at Vice Mayor Paolo Duterte.
 
Samantala, kasalukuyang nasa Hong Kong si PangulongDuterte para kamustahin ang Filipino community doon mamayang hapon
 
Ito ang kauna-unahang pagkakataon ni Duterte na bumisitasa nasabing estado bilang pangulo.
 
Pagkatapos ay dederetso si Pangulong Duterte sa China parasa isang Development Summit.
   

Facebook Comments