Manila, Philippines – Aminado ngayon ang aktor na si Romnick Sarmenta na never daw siyang gumamit ng iligal na droga kahit pa nasa kasagsagan ito ng kasikatan noong dekada ’90.
Ayon kay Romnick, takot daw siyang sumubok nito dahil baka ito ang maging dahilan ng pagkasira ng kaniyang buhay maging ng kaniyang career.
Sinabi pa ng aktor na traydor na kalaban ang illegal drugs dahil magiging masaya ka lang daw ng sandali pero pagtapos nito ay wala nang mangyayari sa iyo.
Aminado naman si Romnick na naninigarilyo siya pero hindi din daw siya umiinom ng alak.
Naging pahayag ito ng aktor matapos siyang matanong sa pagbabalik nito sa TV kung saan kasama niya sina Sam Milby at Jericho Rosales.
Facebook Comments