NEW BLESSING | Precious Lara Quigaman, buntis sa second baby nila ni Marco Alcaraz

Manila, Philippines – Hindi lang ang mga kinoronahang kandidata sa
Binibining Pilipinas 2018 ang nagbubunyi ngayon.

Sa ginanap na beauty pageant noong Linggo, inamin ng isa sa mga judge na si
2005 Miss International Precious Lara Quigaman na nagdadalang-tao siya sa
second baby nila ng aktor na si Marco Alcaraz.

Dahil dito, feeling wagi rin daw siya ng bagong Binibining Pilipinas crown.


Maging ang 5 years old niyang panganay na si Noah, super excited na raw na
maging kuya.

Nakatakdang manganak si Quigaman sa Oktubre.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments