Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ginagawa nitong Bypass Road papunta sa mga bayan ng Iloilo.
Ang kalsada ay may habang 1.75 kilometers na alternatibong ruta mula Barotac Nuevo town proper papunta sa mga bayan sa Iloilo gayundin sa Aklan at Capiz.
Umaasa rin ang ahensya na makakatulong ang bagong gawang kalsada para mapalakas ang ekonomiya at makapagbukas ng livelihood opportunities sa nasabing probinsya.
Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng P136.29 million.
Facebook Comments