Manila, Philippines – Ininspeksyon ni House Speaker Alan Peter Cayetano at ng mga miyembro ng House Committee on Youth and Sports Development ang New Clark City sa Capas, Tarlac na pagdarausan ng 30th Southeast Asian Games.
Ang Pilipinas ang host ng 30th SEA Games habang si Cayetano naman ang Chairman ng SEA Games Organizing Committee (PHISGOC).
Nais matiyak ng isinasagawang inspeksyon na walang magiging aberya sa SEA Games.
Pinili din na pagdarausan ang mga lugar sa labas ng Metro Manila upang maitampok din ang kanilang turismo.
Ang New Clark City ay 9,450 ektaryang lupa na dinevelop ng Bases Conversion and Development Authority kung saan itatayo rin dito ang Philippine High School for Sports.
Karamihan ng events sa SEA Games ay gaganapin sa Clark Freeport Zone sa Pampanga sa pamamagitan ng Clark Development Corp.
Mayroon din sa Subic Freeport Zone sa Zambales sa tulong naman ng Subic Bay Metropolitan Authority habang sa Metro Manila naman gaganapin ang basketball at volleyball events.