NEW DE VENECIA ROAD ISASARA NGAYONG ARAW

Magsisimula ngayong araw ang pagsasara sa New De Venecia Road mula De Venecia–Pantal Guibang.

Sa abiso ng Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan City, alas dose ng tanghali mamaya (12:00 PM) hanggang Huwebes, Mayo 1, 2025 isasara sa anomang Uri ng sasakyan ang kalsada para sa gaganaping kalutan ed dalan na bahagi ng Bangus Festival 2025.

Ayon sa inilabas na alternative route ng POSO Dagupan ang mga sasakyang Mula Hilaga/Silangan (Baguio, Mangaldan) patungong Kanluran (Lingayen, Binmaley): ay pinapayuhang Dumaan sa A.B. Fernandez Ave. > Burgos St. > Tapuac–Lucao Rd.

Mula naman sa Timog (Calasiao, San Carlos) na patungong Kanluran ay maaaring Dumaan sa Calasiao–San Carlos Rd via Malabago > Doyong > Nag-saing > Binmaley–San Carlos Rd.

Mula naman sa Kanluran papuntang Dagupan at vice versa mainam na Gamitin umano ang Sitio Dumurog Rd. o Don Proceso F. Diaz Rd. > Gaudencio Siapno Rd., palabas ng Old Devenecia rd.

Samantala, Ayon sa POSO Dagupan, papayagan lamang ang mga sasakyan para sa grill owners, concessionaires, sponsors, at Bangus Festival Execom hanggang 3:00 PM ng Abril 30, 2025.

Magtatalaga naman ng mga enforcers ang POSO Dagupan sa nasabing lugar at maglalagay rin umano ng mga signages para sa kaalaman ng lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments