New generation vaccines para sa COVID-19, matatagalan pang maging available sa bansa

Maaring sa buwan ng Oktubre ay magiging available na sa Estados Unidos ang new generations ng COVID-19 vaccines na partikular na dinivelop kontra sa bagong sub-variants ng COVID-19 sa kasalukuyan.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Vaccine Expert Panel Chair Dr. Nina Gloriani na sa ngayon, mRNA vaccines ang madaling mapalitan ang komposisyon o ma-synthesize.

Ito aniya iyong mga bakuna na gawa ng Pfizer at Moderna.


Ibig sabihin, posible na halos magkasabay na maging available ang mga bakunang ito sa US, sa buwan ng Oktubre.

Pero nilinaw ni Dr. Gloriani na posibleng mas matagal pa na maging available sa Pilipinas ang mga bagong henerasyong bakuna, lalo’t kakailanganin pa ng panibagong Emergency Use Authorization application para dito.

Facebook Comments