NEW GUIDELINES | Mga bagong patakaran sa direktang paghawak ng mga bagahe sa mga paliparan, mahigpit na ipatutupad

Manila, Philippines – Mahigpit na ipatutupad ng Department of Transportation (DOTr) ang bago nitong alituntunin o guidelines sa lahat ng paliparan ukol sa direktang paghahawak ng mga bagahe ng mga pasahero.

Kabilang na rito ang mga sumusunod:
Bawal na ang bulsa sa mga uniporme;
Bawal ang mga maluwag na bota o sapatos;
Bawal ang paggamit ng cellphone;
Bawat magsuot ng alahas;
Kinakailangan ng magsuot ng body camera.

Ayon sa DOTr, nais nilang maiwasan ang anumang insidente ng pagnanakaw, pagkasira ng gamit o pagpuslit ng iligal na droga sa bansa.


Tiniyak ng ahensya na hindi sila titigil sa pagmamanman sa mga tiwaling miyembro na patuloy na nambibiktima ng mga biyahero.

Una rito, pinasiguro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng Clark International Airport na mapaparusahan ang anim na empleyado ng MIASCOR na sangkot sa pagkawala sa laman ng mga bagahe ng mga OFW.

Facebook Comments