Nagdesisyon ang Commission on Elections (COMELEC) na bumuo ng “new normal” committee sa harap ng COVID-19 pandemic.
Sa Resolution No. 10688 na may petsang December 16, 2020, trabaho ng bagong komite na magsagawa ng electoral exercises sa ilalim ng new normal conditions.
Ang New Normal Committee ay kokonsulta sa mga kaukulang ahensya o departamento na may technical authority sa health issues para sa new normal minimum public health standards, na layong mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Aalamin nito ang mga kasalukuyang election operational activities na nangangailangan ng pagbabago at management o administrative intervention.
Bubuo din ng New Normal manual.
Ang functions ng New Normal Committee ay limitado lamang sa regular operations at monitoring ng election operations activities na may binuong new normal standards/protocols, na nakapaloob sa nasabing manual.
Isang commissioner-in-charge ang itatalagang Committee Chairman habang ang COMELEC Executive Director ang magsisilbing vice chairperson.