New normal state, itatatag ng TWG ng gabinete matapos ang Luzon-wide quarantine sa April 14

Magtatatag ang bagong Technical Working Group (TWG) ng new normal state pagkatapos ng umiiral na Luzon-Wide Community Quarantine sa April 14.

Ito ang tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles para sa “Anticipatory and Forward Planning” kung saan in-charge ang TWG.

Ayon kay Nograles, ang new normal state ay muling pagtatayo ng mga bagong negosyo at pagbabalik sa mga economic activities ng estado matapos ang krisis na dulot ng COVID-19.


Nabatid na ang National Economic and Development Authority o NEDA ang magsisilbing chairman ng TWG kaugnay ng nasabing proyekto.

Sa kabila nito, muling binigyang diin ni Nograles na masyado pang maaga para palawigin ang isang buwang community quarantine sa Luzon dahil marami pang pwedeng mangyari sa susunod na dalawang linggo.

Facebook Comments