Manila, Philippines – Pasok sa listahan ng “Top Terrorist Organization in the World” ang rebeldeng grupong New People’s Army (NPA).
Base sa 2017 report ng Washington-Based Think Tank na Center for Strategic and International Studies (CSIS), kahanay ng NPA ang Islamic State, Boko Haram at Taliban sa top ten list.
Nasa ika-siyam na pwesto ang armed group ng Communist Party of the Philippines na nakagawa ng “119 coordinated terrorist attacks” mula taong 2000 hanggang 2014.
Ayon kay dating Philippine Air Force Officer at National Security Council Consultant Francisco Ashley Acedillo – pinagbasehan ng ulat ang mga pag-atake ang npa sa kabila ng umiiral na peace talks sa pagitan ng gobyerno.
Nangunguna naman sa listahan ang ISIS na mayroong 757 attacks.
DZXL558