NEW TREND | Sandals para sa mga sapatos, nauuso ngayon sa China

China – Kakaibang fashion trend ang nauuso ngayon sa bansang China.

Ito ay ang pagsusuot ng sandals, habang may suot ka ring rubber shoes!

Masyado na raw kasing conservative ang mga tao ngayon lalo na kapag bagong bili ang kanilang mga sapatos.


Ang sandals na gawa ng Chinese fashion label na Sankuanz ay ginawa raw para magsilbing proteksyon ng Sneakers mula sa dumi, gasgas, putik at baha.

Commercially-available na ang naturang sneaker protector na ibinida na rin sa kompanya sa Paris fashion week.

Facebook Comments