New variant ng COVID-19 virus na umusbong sa England, iniimbestigahan ng WHO

Iimbestigahan ng World Health Organization (WHO) ang bagong variant ng COVID-19 na umusbong sa England.

Ayon kay WHO top emergencies expert Mike Ryan, tinatayang aabot sa 1,000 indibidwal ang nakitaan ng nasabing genetic variant.

Sa kabila nito, nilinaw ng WHO na wala pang ebidensyang nagpapakita na ito ay mas delikado kaysa sa COVID-19.


Sa ngayon, hindi pa matiyak ng mga otoridad kung ano ang mga sanhi at epekto ng nasabing sakit.

Facebook Comments