New York City, nanguna sa listahan ng World’s Wealthiest Cities

Itinanghal ang New York City bilang pinakamayamang lungsod sa buong mundo.

Batay ito sa inilabas na World’s Wealthiest Cities Report 2023 ng Henley & Partners na gumamit ng datos mula sa intelligence firm na New World Wealth.

Nasa 340,000 na mga High-Net Worth Individuals (HNWIs) o mga milyonaryo ang nakatira sa New York City.


Pumangalawa naman sa listahan ang Tokyo; pangatlo ang Bay Area sa United States; sinundan ng London, Singapore, Los Angeles, Hong Kong, Beijing, Shanghai at Sydney.

Saklaw ng report ang 97 lungsod mula sa siyam na rehiyon sa buong mundo.

Facebook Comments