New York Knicks, pasok na sa semifinals ng NBA playoffs; Los Angeles Lakers, tinambakan ng Memphis Grizzlies sa Game 5

Pasok na sa second round ng NBA playoffs ang New York Knicks matapos na ilampaso sa Game 5 ang Cleveland Cavaliers, 106-95.

Nanguna pa rin sa diskarte ng Knicks si Jalen Brunson na may 23 points, upang tapusin ang serye sa 4-1.

 

Ito naman ang unang pagkakataon na tutuntong sa Western semifinals ang Knicks makalipas ang sampung taon.


 

Aantayin ng Knicks sa next round kung sino ang magwawagi sa serye sa pagitan ng Milwauke Bucks at Miami Heat.

 

Sa iba pang game, tinambakan naman ng Memphis Grizzlies ang Los Angeles Lakers sa hiwalay na Game 5 sa iskor na 116-99.

 

Dahil dito nadugtungan pa ang buhay ng Grizzlies na ilapit ang serye sa 2-3.

Gayunman, may pagkakataon na tapusin na ng Lakers ang serye roon sa kanilang teritoryo sa Game 6 sa Sabado.

Facebook Comments