New York, nakararanas ng kakulangan sa suplay ng bakuna kontra COVID-19

Tuluyan nang nagsara ang ibang mga vaccination sites sa New York City dahil sa nararanasang kakulangan sa suplay ng bakuna kontra sa COVID-19.

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung makakahabol ang suplay ng bakuna para sa second dose kung ituturok na kaagad sa mga residente ang unang dose.

Dahil nito, aabot sa 23,000 na mga appointments ang ni-reschedule.


Samantala, sinabi ni New York City Mayor Bill De Blasio, huwag muna bigyan ng second dose ang mga naunang nagpabakuna para mabigyan naman ng unang dose ang ibang residente na hindi nakapagpabakuna.

Ngunit, pinangangambahan ng naturang alkalde na ang pagka-antala ng second shot ay may malaking epekto sa efficacy o pagka-epektibo ng bakuna.

Napag-alaman na ginagamit ng New York ang bakunang Pfizer at Moderna.

Facebook Comments