NEW ZEALAND may bagong proyekto para sa MAGUINDANAO AT NORTH COTABATO!

Aprubado na ng Embahada ng New Zealand sa pamamagitan ni Deputy Prime Minister at Minister of Foreign Affairs Rt. Hon. Winston Raymond Peters ang proyektong “Support to Agriculture-Based Livelihoods and Agribusiness Enterprises for Sustainable Peace and Development in Maguindanao and North Cotabato Provinces”.
Sa naturang tagpo ay iprinisenta din ang key results and outcome ng ilang taong mga proyekto ng UN-FAO sa Mindanao na pinondohan ng New Zealand at pinamagatang ““Restoring Agricultural Livelihood in Connflict-Affected Areas in Maguindanao and Cotabato”.
Taos puso naman ang pasasalamat ni ARMM Regional Secretary Alexander G. Alonto, Jr.
Ayon kay Secretary Alonto, dahil sa proyektong isinakatuparan ng UN-FAO na pinondohan ng New Zealand mula taong 2011 hanggang 2014, nakatanggap ng benepisyo ang 25,000 magsasakang pamilya o 129,000 mga indibiduwal sa probinsiya ng Maguindanao at sila ay nakapagsimulang muli sa kanilang pamumuhay matapos na maapektuhan ng kaguluhan at kalamidad.

Facebook Comments