New Zealand, muling nakapagtala ng kaso ng COVID-19 matapos ang 25 araw

Muling nakapagtala ng dalawang kaso ng COVID-19 ang New Zealand makalipas ang dalawangpu’t limang (25) araw na walang bagong kaso ng nasabing sakit.

Ayon sa mga otoridad, ang dalawang bagong pasyente ay mga bagong dating sa nasabing bansa na nagmula sa United Kingdom.

Nabatid na muling binuksan ng New Zealand ang kanilang border para sa mga mamamayan nilang umuuwi kasama ang kanilang mga pamilya.


Aminado naman si Prime Minister Jacinda Ardern na mahirap pang ideklarang COVID-19 free ang New Zealand dahil maaari pa rin talagang magkaroon ng mga bagong kaso.

Facebook Comments