New Zealand PM, bibisitahin ang mga biktima ng Christchurch terror attack

Bibisitahin ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern ang Christchurch City matapos ang malagim na terror attack sa dalawang Mosque noong nakaraang linggo na ikinamatay ng nasa higit 50 katao.

Ayon kay Ardern – itinuturing niya itong worst act of terrorism.

Dagdag pa ni Ardern – dahil sa insidente ay nakitaan ng mahinang gun laws ang kanilang gobyerno na tutugunan nila sa pamamagitan ng mga reporma na i-aanunsyo sa loob ng 10 araw.


Magsilbi rin aniyang araw ito sa buong mundo na kailangang agad kumilos kung nais gawig ligtas ang mga komunidad.

Makikipagkita ang punong ministro sa mga first-responders at sa pamilya ng mga biktima.

Inatasan na rin niya ang New Zealand security intelligence service, government communications security bureau, police, customs at immigration para masusing imbestigahan ang nangyaring pag-atake.

Facebook Comments