NEWBORN SCREENING CARAVAN, ISINAGAWA SA BAYAN NG DINAPIGUE

CAUAYAN CITY – Inilunsad sa bayan ng Dinapigue, Isabela ang kauna-unahang Newborn Screening Caravan.

Katuwang ng Cagayan Valley Regional Newborn Screening Team ang Lokal na Pamahalaan ng Dinapigue sa nasabing aktibidad.

Sa isinagawang screening, binigyang kaalaman ng NBS team ang mga magulang tungkol sa tamang pangangalaga ng kanilang mga anak at kahalagahan ng maagang pagpansin sa mga infant related diseases.


Ang caravan ay mayroong temang “ONE Cagayan Valley Para sa Great Future ni Baby”.

Facebook Comments