Newly-Identified Drug Personality, Timbog

20

Cauayan City, Isabela- Nahaharap sa paglabag sa RA 9165 dahil sa pagbebenta ng iligal na droga ang newly identified drug personality matapos kumagat sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang suspek na si Felix Dalacan Jr., 22-anyos at residente ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga.


Itoy matapos bentahan ng suspek ng hinihinalang shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa pag-iingat ni Dalacan ang tatlong (3) pakete ng naglalaman ng hinihinalang shabu at P1,000 bill na ginamit sa buy-bust operation.

Ayon sa report, tumitimbang ng higit kumulang sa 3 gramo na may Dangerous Drugs Board (DDB) value na P2,040.00.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek na nahaharap sa naturang kaso at inaalam pa ng kapulisan ang iba pang koneksyon at kung kanino kinukuha ang suplay nito kaugnay sa nagaganap na bentahan ng droga sa naturang lugar.




Facebook Comments