Newly Identified na Tulak ng Droga, Huli sa Buybust

155

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang lalaki matapos magpositibo sa pagtutulak ng droga sa ikinasang drug buybust operation ng mga kasapi ng Cabagan Police Station sa Brgy. Luquilu ng nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakilala ang suspek na si Marciano Marallag, 32 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Nangalisan, Solana, Cagayan.


Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) heatsealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at ang isang libong piso na ginamit bilang buybust money.

Nasa himpilan na ng pulisya ang suspek at siya’y mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments